Nene na hinalay ng ama, hinawahan din ng STD

DOBLE sakit ang inabot ng isang menor-de-edad na ginawang sex slave ng kanyang sariling ama at nahawahan pa ng sexualy transmitted disease sa Aklan ayon sa ulat ng pulisya nitong Miyerkules.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame Command Operation Center, kulungan ang agad na binagsakan ng suspek na si Almar Francisco, 38, ng Barangay Mambog.

Ginagamot naman ang biktima sa ospital na itinago sa pangalang Amor dahil sa pagkakaroon ng gonorrhea, isang uri ng sexually transmitted disease.

Nabatid  na ang suspek lamang ang kasama sa bahay ng biktima at anim pa nitong mga kapatid dahil namamasukan ang kanilang ina bilang kasambahay.

Base naman sa medical examination sa biktima, lumalabas na positibo itong na-rape.

Tahasan namang itinanggi ng suspek ang alegasyon laban sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply