Ngayon may pang-pay na!: Mag-inang Dolly Anne, IC Mendoza madalas maputulan noon ng kuryente

KOMENTO pa ng isang veteran co-entertainment columnist kay IC Mendoza nang magkita kami at magka-chikahan sa thanksgiving party ni Sam Pinto (courtesy of her manager Claire dela Fuente) hindi na raw nakatutuwa itong si IC sa pang-ookray niya sa kanilang “Juiceless Express” sa rating sikat na choreographer na si Geleen Eugenio. Na tawa nang tawa pa raw ang nasabing gay TV host/comediane habang ibinabalita nito on national TV na poor na itong si Geleen at wala nang pumapansin dito sa showbiz. Parang feeling naman daw ata ni IC ay hindi sila nagdaan noon ng kanyang Mommy Dolly Anne Carvajal sa mga pagsubok sa hirap ng buhay.

Gusto raw ipaalala ng beteranong movie writer dito kay IC na sa dalawang beses niyang pagpunta noon sa bahay ng kanyang Lola Inday Badiday ay naabutan nitong super dilim ang buong kabahayan. Ang say raw ng maid ay naputulan daw sila ng kuryente. Okey, fine. Wala namang masama kung naputulan ka ng ilaw dahil kinulang ka sa pambayad sa Meralco. Ang hindi maganda ay ‘yung kung makapanglait ka sa TV ay parang ubod ka ng yaman at hindi mo nasubukang magdusa sa kawalan mo ng datung.

Dapat ngayong marami ka ng blessings IC, tigilan mo na raw ang pang-ookray sa mga personalidad na naghihirap kagaya ni Geleen. Behaved ka na gyud!

***

Kathryn Bernardo, Julia Montes may mga bagong ka-partner sa ‘Growing Up’

KAYO, ano ang mga pinagdaanan nyo at exciting na mga nangyari na part ng inyong growing up years? Lahat naman tayo ay may kanya-kanya bad and good experiences hindi ba? ‘Yung iba sa atin, naging memorable ang first love at mayroon namang broken hearted. Aba! Lahat ng ‘yan ay ating mapapanood this coming September 4 sa pinakabagong Sunday youth oriented TV program ng Dos na “Growing Up.” Samahan ang inyong mga hinangaan sa “Mara Clara” na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes sa kanilang pagbabalik telebisyon kasama ang mga bagong iibiging heartthrob na sina Diego Loyzaga at ang newcomer na mula sa Padilla clan na si Daniel Padilla (anak nina Karla Estrada at Rommel Padilla).

Yes, maki-UBE na o Ultimate Barkada Experience kina Ella (Kathryn) at Tammy (Julia) kasama sina Neil Coleta, Yen Santos, EJ Fallurin at ang sobrang nakakaaliw na part ng barkada na si Kiray sa Growing Up at sa kanilang misyon na tulungang maipagamot ang kanilang paboritong teacher na si Miss Lisa Ortega (Maricar Reyes) nang matuklasan nilang ito ay may malubhang karamdaman. At para matulungan ang pinakamamahal nilang guro, susubukan nilang sungkitin ang premyo sa iba’t ibang paligsahan na sasalihan. Kasabay nito ay ang mga pagdaraanan nilang mga pagsubok sa kanilang mga sarili, pangarap at pag-ibig. Ang lahat-lahat ng kanilang mga karanasan ang magtuturo sa kanila kung ano ba talaga ang tunay na pinagdadaanan ng mga kabataan sa paglaki at paglawak ng kanilang mundo’t kaisipan.

At para sa nagbabalik director din sa telebisyon na si Lino Cayetano, buong ningning nitong ipinagmamalaki ang bagong proyekto sa Kapamilya Network. Sa three months preparations nila para sa show nakita niya ang potential ng kanyang mga artista rito lalo na kina Kathryn at Julia na malayo raw talaga ang magiging future. May iba’t ibang karakter naman daw ang mga boys rito na sina Diego, Daniel at Neil at bilib siya dahil lahat nakapag-deliver ng kanilang mga acting sa pang young generation at pang mother na show. So, simula September 4 ating tangkilikin ang Growing Up after “ASAP Rocks.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply