Nginata ng Red Lions ang Mapua Cardinals

NALAGAY sa panganib ang San Beda College bago nalusutan ang Mapua Cardinals sa NCAA season 87 men’s basketball tournament sa The Arena, San Juan City kahapon, Biyernes.

Nasungkit ng koponan ni coach Frankie Lim ang ika-7 panalo sa iskor na 74-68 sa kabayanihan ni Dale Marcelo na kuamana ng 13 puntos at 12 rebounds na bumangga sa malalaking players ng Cardinals na sina Mark Sarangay, Yosef Taha at Michael Parala. Nakaungos pa sa second quarter ang Cardinals, 40-32, bago gumiling ang Lions para makontrol ang laro.

Naungusan naman ng San Juan de Letran Knights ang Lyceum Pirates, 92-89, tungo sa pag-angat sa tersero pwesto sa ten-team standings.

Magbabalik sa The Arena ang laro sa Lunes na tatampukan ng laban ng Emillo Aguinaldo College Generals kontra University of Perpetual Help kasunod ng salpukan ng Arellano U Chiefs at ng San Sebastian College Recoletos na magsisimula ng 11:45 ng umaga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply