NIA compound sa Kidapawan pinasabog: 2 tepok

TEPOK ang dalawang katao kabilang ang hinihinalang suicide bomber makaraang pasabugin ang harapan ang ng National Irrigation Administration compound bandang 1 :00 ng madaling araw ng Agosto 12 sa Amas, Kidapawan City.

Nabatid na hinihinalang kasama sa nasawi ang umano’y may dala ng bomba na nakilalang isang Manampan Dimalen at kasama nito na si Kalim Indigay habang tinamaan din ng tumalsik na mga bubog ang isang security guard.

Napag-alaman pang gawa sa 81mm mortar ang improvised explosive device (IED) na sumabog.

Pinaniniwalaan din na nagkamali umano ang mga suspek sa timing devices ng bomba kaya sumambulat ito sa hindi tamang oras habang dala-dala nila ang IED.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply