Nigerian arestado sa illegal recruiting

SWAK sa kulungan ang isang Nigerian matapos itong arestuhin ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) makaraang ipagharap ng reklamo ng kanyang kababayan sa kasong illegal recruitment at estafa Lunes ng hapon sa Calocan City.

Ang suspek, na kasalukuyang nakapiit sa kulungan ng Caloocan City police, ay nakilalang si Stephen Coudjoe Tetem, 30, ng Barangay Tumana, Sta. Maria, Bulacan.

Si Tetem ay isa umanong ministro ng simbahan.

Ang mga biktima na nagharap ng reklamo sa tanggapan ng Camanava CIDG laban sa suspek ay nakilalang sina Fedilis Markus at Akande Jumoke, parehong kababayan ng suspek at pansamantalang naninirahan sa Bagong Silang, Caloocan City.

Sa ulat ni Chief Insp. Manalo F. Salvatiera, hepe ng Camanava CIDG, ganap na 4:30 nang arestuhin ang suspek sa kanto ng Almar at Zabarte, Camarin ng nasabing lungsod.

Matapos magharap ng reklamo ang mga biktima ay agad nagsagawa ng entrapment operation ang tauhan ng CIDG.

Nasa aktong tumatanggap ang suspek ng dalawang P500 bill na marked money nang dinakma ito ng mga awtoridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply