Nilalait kasi sa ‘Juiceless!’: Galit ni Candy Pangilinan sumabog kay IC Mendoza

AFTER ng exclusive one-on-one interview ni Kuya Boy Abunda kay Candy Pangilinan sa “The Buzz” last Sunday, na-interview rin ng inyong columnist si Candy. Aming inalam sa kanya kung ano ba talaga ang pinag-ugatan ng galit niya kay IC Mendoza at napagsalitaan niya ito nang hindi maganda ng magkita sila nito minsan sa isang bar.

Kaya ba niya ito nagawa kay IC ay dahil tipsy na siya noong mga oras na ‘yun? Meaning medyo wala na sa kanyang sarili ang mahusay actress-comedienne.

Unang hirit namin kay Candy ay kung tinitira ba ni IC ang kanyang special child sa “Juiceless,” este, “Juicy” show nito sa TV5 kaya sumabog na ang galit niya sa nasabing host?

“Walang ganoon. Pero may mga nagsasabi sa akin na ako ‘yung tinitira nila. Ang galit ko naipon lang dahil hinayaan kong siraan nang ibang tao ‘yung anak ko na inosente sa radio, print at TV. Siguro napuno lang ako at nadamay lang sa galit na matagal ko nang kinikimkim. But, gusto ko nang matapos ito at dahil na-hurt ko ang feelings ni IC ay nag-apologize na ako sa kanya, ganoon na rin sa Mommy Dolly Anne Carvajal niya.”

“I texted both of them pero wala pa akong natatanggap na reply hanggang ngayon sa kanila. Mag-aantay na lang ako kung kailan mawawala ‘yung tampo o galit sa akin ni IC. Basta ako, sincere ‘yung paghingi ko ng sorry sa kanya.

“At bilang ina, naiintindihan ko naman si Dolly Ann na ipinagtatanggol lang niya si IC. Ako, ganoon rin naman. Masakit rin for me na nilalait nila ang anak ko. “Minsan nga, nagtatanong siya (her Kid) kung bakit ako nagka-cry sa TV. Sabi ko, work ‘yun.

“Kaya now habang ini-interview ako ni Kuya Boy, sasabihin ko na naman sa kanya work pa rin itong ginagawa ko. Wala kasing kamalay-malay ang anak ko na nasasali na siya sa mga ganitong intrigang na-e-encounter ko sa showbiz. Kaya sana matapos na talaga ito lalo pa’t hindi naman intentional ‘yung nangyari sa amin ni IC,” mahaba-haba pang paliwanag ni Candy Pangilinan sa kinasasangkutang issue.

Well, sana naman ay pakinggan ni IC ang side na ito ng nakabanggaang komedyana. Tutal, pareho naman silang magkakasama sa showbizness.

OO, nga gyud!

****

‘Maria La Del Barrio’ nina Erich at Enchong isa sa pinakamaganda at pinakamagastos na telesrye ng ABS-CBN

SA casting pa lang ng pinakabagong teleserye remake ng ABS-CBN na “Maria La Del Barrio” na pinagbibidahan ni Erich Gonzales at hunk na kalabtim na si Enchong Dee, panalung-panalo na ang televiewers. Imagine, isang Ai-Ai delas Alas ang gaganap sa special role bilang si Casilda na kukupkop kay Maria played by Erich.

Kabilang din sa seryeng ito si Angel Aquino bilang si Victoria Montenegro Dela Vega na asawa ni Ian Veneracion na unang minahal ni Assunta de Rossi na siyang ina naman ni Maria.

Ang Maria La Del Barrio ay mula sa original na teleserye ni Thalia ng Televisa. Ito ang kuwento ng pag-ibig na garantisadong magpapa-init sa tag-ulan simula sa August 15 sa ABS-CBN Primetime Bida. At bilang leading-man ni Erich at gumaganap sa role ni Luis Dela Vega ay sobrang natuwa si Enchong nang malaman niyang muli silang magtatambal sa teleseryeng ito ni Erich. “When I learned that I’ll be working with Erich again, sobrang natuwa ako siyempre. Masarap siyang katrabaho.”

Say naman ni Erich. “Pinaghirapan po namin ni Enchong at mga co-star namin ang bawat eksena at mas pinaganda pa para mas lalo ninyong ma-enjoy ito sa panonood.”

Ito ay mula sa masusing direksiyon nina Rory B. Quintos at Richard Somes at ang grupo ng mahuhusay na sina Denise O’Hara at Henry Quitain ang sumulat ng kuwento nito. Tiyak na mapapahanga rin kayo sa ganda ng location o view ng Maria La Del Barrio na kinunan sa matulaing bayan ng Tagaytay at Cavite.

So, simula sa August 15, gabi-gabi nating samahan sina Erich at Enchong sa nasabing teleserye.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply