‘No balance billing program’ isinusulong na ng DOH

ISINUSULONG na ngayon ng Department of Health (DOH) ang “No-Balance Billing Program” para sa kapakanan ng mahihirap na mamamayan ng bansa.

Batay sa pagtataya, nasa mahigit limang milyong pamilya na kabilang sa poorest of the poor ang matutulungan ng nabanggit na programang pangkalusugan ng DOH.

Sa ilalim ng programa ay babalikatin ng DOH ang gastos sa pamamagitan ng libreng PhilHealth card na ibibigay sa mga kwalipikadong pamilya.

Kabilang sa mga sakit na sakop nito ay ang dengue, pneumonia, typhoid fever at asthma.

Kasama rin dito ang ilang serbisyo gaya ng panganganak sa pamamagitan ng Caesarean section, appendectomy at radio therapy.

Pinapayuhan ng DOH ang mga mahihirap na pamilya na mag-enrol sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program para maging kwalipikado sa libreng gamutan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply