Not guilty plea inihain ni Michael Ray Aquino

NAGHAIN ng “not guilty plea” sa Manila Regional Trial Court si dating Police Supt. Michael Ray Aquino sa ginanap na pagdinig kaninang umaga kaugnay sa pagkakadawit nito sa Dacer-Corbito double murder case.

Mahigpit pa rin ang seguridad na ibinigay ng National Bureau of Investigation (NBI) para sa arraignment ni Aquino.

Sa kanyang pagharap sa MRTC-Brach 18 Judge Thelma Bunyi-Medina, nanindigan ito na wala siyang partisipasyon sa nangyaring pagpatay kina PR man Salvador “Bubby” Dacer at driver na si Emmanuel Corbito noong 2000.

Sinabi naman ng abogado ng akusado na si Atty. Joel Britana, na walang material na mag-uugnay kay Aquino sa kaso maliban sa una nang ibinasura ng Court of Appeals (CA) hinggil sa mga sinasabi ni dating S/Supt. Cesar Mancao.

Itinakda naman ang pre-trial sa kaso sa darating na Setyembre 14,2011.

Matatandaan na si Aquino ay dating miyembro ng nabuwag na President Anti- Organized Crime Task Force (PAOCTF) sa ilalim ng administrasyon ni dating President Joseph Estrada at itinuturong isa sa suspek sa pagdukot at pagpaslang sa  PR man na si Salvador “Bubby” Dacer at driver nitong

si Emmanuel Corbito noong November 2000.

Kasalukuyan pa ring nasa kostudiya ng NBI si Aquino.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply