NPA medic huli sa ‘rescue ops’ sa Surigao Sur mayor

NASUKOL ng tropa ng gobyerno ang isang babaeng miyembro ng New People’s Army (NPA) medic sa naganap na engkuwentro laban sa mga rebelde na dumukot umano sa isang Surigao del Sur town mayor, ayon sa ulat ng regional police office, Linggo ng umaga.

Sa kanilang 7th progress report sa pagdukot kay Lingig town Mayor Henry Dano, kinilala ng Police Regional Office 13 (CARAGA) ang nahuling medic na si Lyka Navarro.

Nahuli ito ng mga ng mga sundalo na kabilang sa 67th Infantry Battalion sa Barangay Abejod, Cateel, Davao Oriental noong Huwebes ng umaga, ayon sa naantalang ulat.

Ang rescue operation para kay Dano ay nagresulta na ng apat na sugatan sa panig ng government forces at hindi pa mabatid na bilang ng kswalidad sa panig naman ng mga rebelde, dagdag pa ng ulat ng pulisya.

May narekober din na 5 M16 rifles, 2 M14 rifles, 4 M4 rifles, 2 M653 Baby Armalite rifles, 1 Carbine, 1 M203, 3 handheld Kenwood radios, assorted medicines, food supplies, “subversive” documents, at iba pang personal na gamit ng mga rebelde.

Dinukot ng mga hinihinalang miyembro ng NPA si Dano at ang dalawang  military escorts nito noong Sabado ng nakaraang linggo.

Nitong nakaraang Lunes, sinabi ng isang police official na kaya dinukot si Dano ay dahil sa pagtanggi nitong ibigay ang hinihingi ng mga rebelde noong nakaraang 2010 elections.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply