NPA na sumalakay sa minahan sa Bukidnon tinutugis na

TINUTUGIS na ng mga awtoridad ang mga rebeldeng News People’s Army (NPA) na responsable sa pag-atake sa isang minahan sa Dila Zone-5 Barangay Capitan, Impasug-Ong, Bukidnon na nakapatay sa tatlo katao at nakasugat sa pitong iba pa nitong nakaraang Sabado ng madaling araw, Agosto 6.

Agad na namatay sa insidente si Raymond Castro, 19-anyos, binata tubong Mantidao City, Misamis Oriental nang magpaulan ng bala ang mga pinaniniwalaang rebelde na sakop ng Communist Party of the Philippines, National Democratic Front, New People’s Army, Section Committee 89 na pinamumunuan ni Lorna Micabalo alyas Isay Sara.

Ayon sa imbestigasyon ng Impasug-Ong PNP na dakong 3:00 ng madaling araw ay nilusob ng naturang grupo ang Nano Mining Corporation at hinanap ang kanilang manager na si Paul Magno para singilin ang revolutionary tax para sa rebelde.

Nang hindi makita ang manager, bigla na lang pinaulanan ng bala ang bunker ng mga empleyado kaya isa ang namatay noon din sa naganap na insidente, dalawa naman ang dead on arrival sa ospital habang pito ang patuloy na ginagamot sa ngayon.

Tinangay din umano ng mga rebelde ang isang .45 na armas, isang airgun isang sakong bigas at dalawang unit ng cellular phone. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply