‘NPA’ sa Palasyo pinasisibak kay PNoy

KAILANGAN nang sibakin ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang lahat ng “non-performing assets” (NPA) sa Palasyo na lubhang nakakasagabal sa programa at patakaran ng administrasyon matapos sibakin si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Angelito Alvarez.

Ayon kay Sen. Gregorio Honasan, alam na ni Pangulong Aquino kung sinu-sino ang mga NPA sa kanyang bakuran dahil nasukat na nito sa loob ng isang taon kung sino naging pabigat o nakatulong sa kanyang administrasyon.

Naniniwala si Honasan na bagamat prerogative ng Pangulo ang pagsibak sa kanyang opisyal, maaaring ang pagiging NPA ni Alvarez ang nagtulak sa chief executive para putulin ang paninilbihan nito sa gobyerno.

Sinabi pa ng senador na kung binabalak ng Pangulo ang pag-revamp sa kanyang gabinete, ngayon ang tamang panahon para gawin ito dahil kilala na niya ang mga NPA sa kanyang bakuran.

“Timing din iyan dahil after one year mayroon na siyang batayan para malaman kung sino ang performing at non-performing assets sa gobyerno niya,”paliwanag ni Honasan.

Isa sa nakikitang NPA ni Honasan ay si Secretary Ricky Carandang ng Presidential Communications Development and Strategic Planning Office ng Malakanyang.

“Last week sinita ni Congresswoman (Mitos) Magsaysay yung Communications Group ng Presidente, sina Secretary Ricky Carandang eh ibig sabihin niyan eh baka sa pananaw hindi lang ng political opposition kundi yung ibang mambabatas eh baka kulang pa yung ginagawa ng Communications Group, so senyales iyan,” ani Honasan na siyang chairman ng senate committee on public information and mass media.

Hindi lang si Honasan ang pumupuna sa trabaho ni Carandang kundi pati na rin si Sen. Francis “Chiz” Escudero. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply