NPA umatake: 2 sundalo, sibilyan, amasona sugatan

DALAWANG sundalo at isang sibilyan habang isa ring amasona ang nasugatan makaraang sumalakay ang hinihinalang limang miyembro ng New People’s Army sa Sipalay City, Negros Occidental, Biyernes ng hapon.
Batay sa ulat ng Visayan Daily Stay na may petsa ng Sabado, Agosto 6, naganap ang pag-atake bandang 5:35 p.m. kung saan nasugatan sina Army 2Lt. Rigor Borja at Cpl. Juanito Fernando ng 47th Infantry Battalion Peace and Development Teams.

Nabatid na dalawang hinihinalang miyembro ng NPA, isa rito ay batang babae, ang nanguna sa pagsalakay habang ang tatlo pang kasamahan ng mga ito ay nagsilbing backup forces.

Tinamaan si Borja sa kanyang likuran habang si Fernando ay nagtamo ng sugat sa binti bunsod ng gunshot na ipinutok sa kanya ngunit nagawa pang makaganti sa mga suspek na nakatama sa isang rebeldeng amasona.

Kinilala naman ang sibilyan na nasugatan na si Roderick Samolde na tinamaan sa kanyang puwitan habang ang nasugatang amasona ay iniligtas ng kanyang kasamahan.

Nabatid na nasa mabuting kondisyon naman ang mga sugatan.

Napag-alaman pa na binisita lamang ng dalawang sugatang sundalo ang isang retiradong sundalo sa Brgy. Camindangan, Sipalay City, nang umatake ang mga naturang rebelde.

Tumakas ang mga rebelde patungong Camindangan public market nang dumating ang iba pang Army reinforcements .

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply