NSO babalasahin ng Senado

NAIS balasahin ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang pangongolekta ng Philippine Statistical System (PSS) na isinasagawa ng National Statistical Office (NSO) at iba pang data collection agency upang makatulong at umangkop sa pangangalap ng datos sa programa ng pambansang kaunlaran.

Sa inihaing Senate Bill NO. 103, sinabi ni Escudero na layunin niyang balasahin o magkaroon ng overhaul sa lumang sistema ng pangongolekta at pag-iimbak ng datos upang makaagapay sa pamamaraan ng kalapit na bansa sa rehiyon.

“Naging buhay ang estadistika at impormasyon sa pagsasagawa ng patakaran sa buong mundo. Dapat makatulad tayo sa ating mga kalapit na bansa, kundi man sa buong mundo, na may sapat na kakayahan sa mahahalaga at kasalukuyang impormasyon sa kalakalan sa buong kundo, pangyayari at kalakaran,” giit ni Escudero.

Ayon kay Escudero na mismong si Pangulong Benigno Aquino III ang nag-endorso ng panukala upang kumilos kaagad ang Kongreso.

Kasalukuyang kalat-kalat ang PSS sa maraming ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng statistical information at serbisyo sa publiko tulad ng NSCO.

Sa ngayon,  masyadong matingkad ang istruktura sa kasalukuyang sistema na mayorya ng yaman nito ay nagsisilbi lamang sa administratibong tungkuln.

Sakaling mabalasa ang sistema, magiging malaya, hiwalay, episyente at maaasahan ang PSS.

Bukod sa NSO, pangunahin sa nangangalap ng estadistika ang Bureau of Agricultural Statistics (BAS) at Bureau of Labor

and Employment Statistics (BLAS).

Magiging attached agency ng National Economic and Development Authority (NEDA) panukalang Statistics Philippines (STATPHIL) upang magkaroon ng madaling policy coordination at kolaborasyon. Isang national statistician ang mamumuno sa administrasyon ng tanggapan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply