Nuknukan ng pagkasinungaling itong si Rich Asuncion

DAHIL nagkaroon ng commercial break ang pinapanood naming The Buzz last Sunday, natutukan namin ang segment ni John Lapuz na Don’t Tell a Lie sa Showbiz Central. Ang nakasalang noon ay si Rich Asuncion.

Tinanong ang istarlet kung nagkikita pa ba sila hanggang ngayon ng kaniyang ex na si Aljur Abrenica? Sinagot niya ay hindi, pero ang sabi ng lie detector, “Lie.”

Next na tanong kung sila na nga ba ni Ervic Vijandre or boypren na nito ang baguhang aktor? Sagot muli nito ay no!

Muli, niresbakan ng lie detector ang sinungaling na istarlet at ibinuking na sila na nga ni Ervic?

Hindi kaya nararamdaman ng starlet na ito ang meaning ng mag-on kahit walang i-love-you,i-love-you kung nagdi-date, and you-know-what, hindi na kailangan pa ang ligawan.

Liligawan ka pa ba ng lalaki kung sumabit ka agad sa kaniyang invitation for a date?

“Minsan kaming dalawa lang, minsan group date,” sey pa ni Rich na  para sa amin ay nuknukan ng kasinungalingan! Poor pala ang kaniyang kaalaman sa relasyon at hindi rich. Yun lang!

***

PAGKATAPOS ng big success ng “Ang Babae Sa Septic Tank,” critically at sa gross receipts, muling sasabak sa isa pang movie si Eugene Domingo kasama ang kahihirang lamang ng SM Cinema’s Box-Office Queen 2010 for the record-breaker na “My Amnesia Girl” sa Star Cinema na si Toni Gonzaga. Magkakasama sila sa Octo Arts Films’ film offering, ang “Wedding Tayo, Wedding Hindi!”

Isa sa pinaka-exciting na big-screen comic combination in years, siguradong gugulong tayong lahat sa kakatawa as Uge and Toni gives life to their comedic roles a-bout the highs and lows, the if’s and but’s, at ang lahat-lahat na tungkol sa kasal pagpapakasal at pagiging kasal!

“It’s like the marrying month of June in August!” pagmamalaki pa ng taga-Star Cinema.

With comedy box-office director Jose Javier Reyes, tiyak na isa na naman itong comedy riot with sense. Sa mga ganitong klaseng film nakilala ang direktor na si Joey Reyes. And with his lead actors, Uge na isang award-winning actress who always tackles her comedic roles with a flavor na s’ya lang ang nag-iisang nakatitimpla and Toni who’s in a league of her own doing roles na s’ya rin lang ang nakagagawa, this is definitely an event movie.

Toni and Uge play close cousins here. One is trying to end her marriage and the other trying to get married. Together they will discover and rediscover the most important lessons on staying married and getting married. Tipong excited bride and exhausted wife ang drama ng dalawa.

Wedding Tayo Wedding Hindi also stars Zanjoe Marudo and Wendell Ramos in his first movie venture under Star Cinema and Octo Arts. The movie opens on August 31 in over 100 theaters. Lahat tayo imbitado! Tara na!

 

 

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply