Nurse nahagip ng tren sa Paco, Maynila patay

TUMILAPON ng ilang metro ang 23-anyos registered nurse matapos mahagip ng rumaragasang tren sa Paco, Manila kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Gresin Gregori Gumban, ng Unit 105 SE Building 1st Street, Fabio Subd., Paco, Manila at nagtatrabaho bilang nurse sa isang pribadong ospital sa Makati.

Batay sa ulat ni SPO4 Mario George, 6:20 ng umaga nang maganap ang insidente sa Pedro Gil  St., malapit sa station ng Paco sa  North Bound lane ng rilis ng tren galing Alabang patungong Tutuban.

Patungo sa Paco Station ang dalaga para mag-abang ng tren patungong South Bound lane nang mahagip ng rumaragasang tren.

Tumilapon ng may ilang metro ang layo sa pinangyarihan ng insidente at nabagok ang ulo nito sa riles ng tren.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply