Obrero ginilitan ng leeg sa Pasay

NASA kritikal na kondisyon ngayon ang isang obrero makaraang gilitan ng leeg ng kanyang dating nakaalitan nang mag-krus ang daan ng mga ito Linggo ng gabi, Agosto 28, sa Pasay City.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa San Juan de Dios hospital bunga ng malalim na sugat sa lee gang biktima na kinilalang si Carlo Beltran, nasa hustong gulang residente ng Saint Rita st., Maricaban ng nabanggit na lungsod.

Samantala nagsasagawa na ng manhunt operation ang mga tauhan ng Pasay City Police para sa ikadarakip ng suspek na kinilalang si Herwin Paloma, 27, ng Block-1, Lot-B, Saint Agustin, Maricaban ng nabanggit na lungsod.

Batay sa ininsiyal na imbestigasyon nina SPO2 Roy Ramos at SPO1 Simon Respicio, Jr. ng Station Investigation Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay City Police, ang madugong insidente ay naganap dakong alas-10:00 ng gabi.

Sarap na sarap sa pakikipag-inuman ang biktima kay Michael Arroyo, 24, pedicab driver sa Saint Rita Maricaban ng mapansin ito ng suspek na nakagalit kamakailan ng biktima hinggil sa nabasag na pinggan na natabig ng biktima.

Maingat na lumapit ang suspek sa bahaging likuran ng biktima at binunot ang patalim na parang manok na ginilit ang leeg.

Nang makitang sumisirit ang dugo sa leeg ng biktima agad na tumakas ang suspek sa ‘di malamang direksyon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply