Obrero hinimatay sa parusa ng among Koreano

ISANG obrero ang nahimatay makaraang tatlong oras na ibilad sa araw bilang parusa ng Koreanong amo nang ma-late sa trabaho sa Hanjin Shipyard, Subic, Zambales.

Base sa pahayag ng grupong Samahan ng mga Manggagawang Hanjin, pinatayo si Perfecto Morales sa arawan ng Koreanong amo mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali kahapon, Agosto 19.

Nahimatay si Morales at nang mahismasan, agad itong ipinatawag ng human resources department ng Hanjin para umano aregluhin habang iniimbestigahan na ni Subic Bay Metropolitan Administration (SBMA) Administrator Armand Arreza ang insidente.

Kaugnay nito, umaapela si Morales at mga manggagawa ng Hanjin kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na bigyang-atensyon ang problema nila sa mga Koreanong amo.

Una nang naiulat na may 60 iba pang Pinoy ang namatay dahil sinasabing pagpapahirap ng kanilang mga amo sa Hanjin, pero nauuwi lang daw sa aregluhan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply