Obrero timbog sa pandarambong

ISANG obrero na hinihinalang walang maayos na pinagkakakitaan ang isinalya sa kulungan ng Taguig Police Headquarters ng bitbitin ito ng mga elemento ng Police Community Precinct 3 (PCP3) matapos na pagnakawan ang isang kahera noong Biyernes ng madaling araw, Agosto 26, sa ML Quezon Avenue, Barangay Lower  Bicutan, Taguig City.

Nakilala ang nahuling suspek na si Hurley Henry T. Pili, 19, construction worker at nakatira sa Barangay North Daang-Hari ng nabanggit na lungsod habang ang biktima nakilala ay nakilala naman sa pangalang Aiza V. Nabon, 23, cashier at nakatira sa Barangay Pulang-Lupa, Las Pinas City.

Sa salaysay ng biktima, naglalakad umano siya dakong alas-4:30 ng umaga sa nabanggit na lugar nang biglang sumulpot sa kanyang harapan ang suspek kasama ang kasabwat nito na puwersahang humablot sa kanyang mamahaling shoulder bag na naglalaman ng cash money at mahahalagang pansariling kagamitan.

Pagkaraang pagnakawan, hindi nag-atubiling dumulog sa himpilan ng PCP3 ang biktima.

Sa ginawang pagsuyod ng mga awtoridad sa mga lugar na posibleng pagkublihan ng kawatan ay natagpuan nila ito at agad na ikinulong. Nakatakas naman ang sinasabing kasabwat nito. PP Corpus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply