OFW na positibo sa HIV tumaas

NAALARMA na ang pamunuan ng Department of Health (DOH) dahil sa pagtaas ng bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na positibo sa Human Immunodeficiency Virus (HIV).

Batay sa talaan ng DOH nadagdagan ng 73 percent ang bilang ng mga OFWs na positibo sa HIV nito lamang Hulyo.

Sa report ng DOH, umabot na sa 1,688  ang bilang ng mga OFW na positibo sa HIV.

Noong 2010 ng kaparehong panahon ay nasa 96 lang ang bilang ng mga OFW na positibo sa HIV pero ngayon ay nasa 166 na.

Sa report ng National HIV and AIDS Registry Statistics – 85 percent sa nabanggit na bilang ay mga lalaki habang 15 percent naman ang mga babae karamihan umano rito ay nasa edad na 35 anyos.

Ayon pa sa report, ang lahat ng naturang kaso ay nakuha sa unprotected sexual contact o ‘di ligtas na pakikipagtalik. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply