OFWs binalaan vs illegal recruiter patungong Macau

BINALAAN ng Department of Labor and Employment (Dole) ang mga Pilipino na nagnanais na mangibang bansa na mag-ingat laban sa mga illegal recruiters na mangangakong bibigyan sila ng trabaho sa Macau.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, pinangangakuan umano ng mga illegal recruiters ang mga OFW ng non-existent na trabaho sa hotels, casino at restaurant.

“Malamang na illegal recruiters sila,”  ayon sa news relaease  ni Baldoz.

Hinikayat naman nito ang mga OFWs na mas mabuting i-report ang mga kaduda-dudang iniaalok na trabaho sa Philippine Overseas Employment Administration.

Pinayuhan din ng kalihim ang mga OFWs na i-check kung ang mga recruiters ay may tamang opisina, lisensya at permits.

Ito ay matapos na makatanggap ng report ang Dole sa labor attache Liddy Tanedo sa Macau na maraming recruitment agencies na nakabase sa Association of Southeast Asia Nations member countries ang nag-aalok ng trabaho partikular na sa casino at hotel owners.

Inatasan na rin ng kalihim ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na paigtingin ang kampanya upang maiwasang makapambiktima ang illegal recruiters. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply