OFWs na uuwi galing Libya bibigyan ng ayuda

INIHAHANDA na ng Department of Labor and Employment (Dole) ang tulong pinansyal at pautang para sa mga uuwing Pilipinong galing sa Libya.

Ayon sa Dole, ang naturang hakbang ay bahagi ng reintegration program ng ahensya para sa mga overseas Filipino workers (OFWs).

Batay sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA), tinatayang nasa 86 na mga Pinoy ang nagpahayag na ng kanilang pagnanais na makauwi ng bansa dahil sa tumitinding tensyon sa Tripoli, Libya.

Kaugnay nito ay tutulak ngayong araw, Agosto 23, patungong Libya ang binuong task force ng DoLE na tutulong sa pagpapalikas sa mga OFWs sa nasabing bansa.

Kasabay nito, sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz, na maliban sa naunang P25 million fund na inilaan para sa voluntary repatriation, naglabas na rin sila ng karagdagang P75 million na pondo na magagamit para sa pangangailangan ng mga kababayan.

Samantala, nagbigay naman ng katiyakan ang DFA na makauuwi ang lahat ng mga Pinoy na naiipit ng kaguluhan sa bansang Libya.

Sinabi ng ahensy na may pasaporte man o wala ang isang kababayan ay tutulungan ito ng gobyerno na makauwi ng Pilipinas.

Una na ring ipinag-utos ng Pangulong Benigno Aquino III sa DFA tiyaking walang Pinoy na gustong sumailalim sa voluntary repatriation ang maiiwanan sa Libya. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply