OFWs sa Syria kumontak na sa PH embassy para makauwi

NAGSIMULA nang makatanggap ng mga tawag ang Embahada ng Pilipinas sa Damascus, Syria ang mga Filipinong nais na lumikas doon bunsod ng tumitinding kaguluhan.

Sa isang panayam, sinabi ni Philippine Ambassador to Syria Wilfredo Cuyugan na may 20 Pinoy na ang tumawag sa kanila at nagtanong ukol sa pag-uwi sa bansa.

Naghihintay na lamang ang embahada sa pinal na desisyon ng mga nais na lumikas at kung talagang desido na silang umuwi sa sa Pinas upang makausap na rin nila ang mga employer ng mga ito para mabayaran ang kung hindi pa tapos ang kanilang kontrata.

Una rito, Miyerkules ng umapela ang Palasyo sa mga Pinoy sa Syria na huwag nang hintayin na lumala pa ang sitwasyon sa bansa bago lumikas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply