Price rollback ng mga produktong petrolyo titiyakin ng DOE, DOJ

NAKATAKDANG magsagawa ng malawakang imbestigasyon ang pamunuan ng Department of Energy (DOE) at Department of Justice (DOJ) sa mga dambuhalang kumpanya ng langis sakaling hindi mag-price rollback ang mga ito sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.

Ayon kay Energy Secretary Jose Rene Almendras, inaasahan nila ang hindi bababa sa P2 ang ibabawas sa presyo ng petrolyo sa Lunes.

Maaari umanong mas malaki pa ang mababawas sa presyo ng mga nasabing produkto kung mas bababa pa ang bentahan ng krudo sa pandaigdigang pamilihin kasunod ng pagbaba ng presyo ng langis nitong mga nakaraang linggo.

Tiniyak naman ni Justice Secretary Leila de Lima ang mabilis na aksyon kung irerekomenda ng DOE ang kanilang imbestigasyon laban sa libro ng mga local oil players na tatangging magbaba ng halaga ng kanilang mga produkto.

Binuo ang DOJ-DOE task force makaraang umugong ang usapin ng sabwatan sa mga kumpanya ng langis para manatili ang kita ng malalaking kumpanya. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply