Oil exploration sa Mindanao tinutulan ng MILF

NANAWAGAN ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa gobyerno na suspindihin ang plano ng  mga banyagang kumpanya na magsagawa ng off shore at on-shore oil and  gas operation sa mga lugar na sakop ng  Bangsamoro ancestral domain.

Labis na tinututulan ng MILF ang pagsasapribado at pagbebenta ng Agus at Pulangi Hydro Power Complex dahil may epekto ito sa  nagpapatuloy na peace negotiation sa pagitan ng gobyerno at MILF.

Ang panawagan ay nakapaloob  sa  ipinalabas na opisyal na pahayag ng MILF central committee na pirmado ni MILF political vice chairman Ghadzali Jaafar na may petsang Hulyo 29, 2011.

Nabatid na ang oil exploration ay gagastusan ng banyagang kompanya ng tinatayang $100 milyon.

Unang nagpahayag ng interes sa proyekto si Exxon Mobil vice president Stephen Greenlee, na handang gastusan ang proyeto ng bilyon-bilyung dolyar para sa pagde-develop sa oil field sa naturang lugar. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply