Oil price rollback inaasahan

DAHIL sa pagbaba ng presyo ng krudo sa ibayong dagat, inaasahang susunod ang oil price rollback ng mga kompanya ng langis sa Pilipinas.

Nabatid na mula sa $95 kahapon, naging $86.36 ang presyo ng bawat bariles ng crude oil. Ito ang pinakamababang presyo ng langis sa nakalipas na anim na buwan.

Sa New York Mercantile Exchange ang September delivery ng krudo ay bumaba ng 5.77 percent.

Ayon kay Raymond Carbone, presidente ng oil brokerage na Paramount Options, ang pangamba sa krisis sa ekonomiya at posibleng pagbawas ng demand ang dahilan ng pagbaba ng presyo ng krudo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply