Oil spill sa Sarangani kontrolado na

KONTROLADO na at wala ng dapat ikabahala ang mga residente ng Sarangani sa posibleng paglala at makapinsala sa Tamuan point ang tumagas na langis mula sa lumubog na M/V Bulk carrier 1.

Ayon kay Commander Roy Echeveria ng Philippine Coast Guard General Santos City, malaki ang naitulong ng paglalatag ng oil spill boom at paggamit ng chemical dispersant.

Nakatulong din ang natural na galaw ng karagatan upang mag-evaporate ang mga manipis ng elemento ng tumagas na langis.

Ayon pa kay Echeveria, tinatayang nasa 6,000 litro ng bunker fuel ang tumagas mula sa MV/Bulk carrier 1.

Matatandaan na lumubog ang nasabing barko nitong Martes matapos bumangga sa MV Puccini.

Nailigtas ang 21 katao ngunit namatay naman ang dalawang tripulante nang maipit sa ilalim ng lumubog na barko.

Kaugnany nito, nagpatawag na rin ng special board of marine inquiry si Coast Guard Commandant Admiral Ramon Liwag upang imbestigahan ang paglubog ng nasabing cargo vessel.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply