Operasyon ng bookies ng loteng, protektado ng PD

SILIPIN natin ang may pinakamalaking operasyon ng iligal na lotengan sa Rizal na pinatatakbo ng magpakner na Romy Waway at alyas Benjie na ang kapitalista ay si Mike Rosales.

Hindi natitinag o napatitigil ang operasyon ng  bookies ng loteng nina Waway at Benjie dahil  protektado ito ng pulis na si PO2 Nomer Raymundo ng  Rizal PNP-S2.

Halos buong bayan ng lalawigan ng Rizal ang area of operations ng bookies ng loteng ng magpapakner.

Malaki ang inihatag na ‘goodwill’ ng magpapakner na Rosales, Waway at Benjie sa tanggapan ni Rizal Provincial Director Gen. Manuel Cesar Prieto kaya nakopo ng mga ito ang operasyon ng bookies ng loteng sa buong lalawigan.

Hindi basta-basta magalaw o mapatigil ng sinomang pulis sa Rizal ang pasugalan ng mag-aamo dahil bukod sa ibinigay nilang “goodwill” sa tanggapan ni heneral ay malaki rin daw ang lingguhang I.N.T. (intelihensiya) ang hinahatag nila.

Walang sinomang loteng operator ang makapapasok sa nasabing lalawigan ng hindi daraan o magpapa-alam sa mga mag-aamo.

Kung walang kinalaman si Rizal PD Gen. Prieto sa operasyon ng bookies ng loteng nina Waway at Benjie, bakit namamayagpag ang bookies ng mga ito sa nasasakupan niya? (ITUTULOY)

ILLEGAL LOGGING COP ‘PADER’ SA  R2

Habang hindi tumitigil si SPO1 Ventura ng R2 ng Region 2 sa pagpoproteksyon at pag-ooperate sa illegal logging sa Region 2 ay hindi matitigil ang paglaki ng baha sa kalunsuran. Si SPO1 Ventura ang isa sa mga ‘scalawag’ na pulis ng Region 2.

Hindi siya masibak-sibak ng kanyang superior dahil malaki ang ‘hatag’ niya sa kanyang mga amo.

oOo

Anomang mga reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply