Operasyon ni Ex-PGMA tatagal ng limang oras

POSIBLENG tumagal ng limang oras ang gagawing operasyon para sa ikatlong cervical spine surgery ni Ex-Pres. Arroyo sa St. Luke’s Medial Center, Taguig City.

Kaninang tanghali ang ikatlong cervical spine surgery kay dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo para maayos at ilagay na sa wasto ang isinagawang ikalawang operasyo ni Gng. Arroyo.

Ayon kay St. Luke’s spokeswoman Marilen Lagniton, nagdesisyon ang mga doktor na gawin ang medical procedure matapos bumuti ang kalagayan at mawala na ang lagnat ng pasyente.

Maalala na ipinagpaliban ng mga doktor ang nakatakda sanang operasyon sa dating pangulo kahapon, dahil sa masamang karamdaman nito.

Una nang sumailalim sa operasyon ang dating pangulo dahil sa problema sa kanyang gulugod subalit hindi naging maayos ang medical procedure.

Sinabi pa ni Lagniton na inaasahang tatagal ng limang oras ang operasyon sa dating pangulo dahil maselan ang gagawing ikatlong operasyon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply