Operasyon ni GMA bukas hindi tuloy

KUMPIRMADONG hindi matutuloy ang operasyon ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bukas (Martes, Agosto 23) dahil sa nilalagnat ito.

Sa pinakahuling medical bulletin na inihayag ni Marilen Ladicon ng St. Luke’s Medical Hospital sa Taguig, susuriin munang maigi ng mga doktor ang kalagayan ni Arroyo bago ito operahang muli.

Inaasahan na anumang araw ngayong linggo ay itutuloy na ang operasyon ni Arroyo sa kanyang cervical spine.

Samantala, liban sa lagnat ay wala namag ibang iniinda ang dating Pangulo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply