Operasyon ni GMA sinimulan na

SINIMULAN na kaninang ala-siyete ng umaga (Miyerkules, Agosto 10) ang operasyon ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa St. Luke’s Medical Center sa Global City sa Taguig City.

Ayon kay Dr. Juliet Cervantes, ang attending physician ng dating Pangulo, tatagal umano ang operasyon  ng lima hanggang anim na oras.

Matatandaang nagpalipas ng magdamag sa ospital si Arroyo bilang paghahanda sa kaniyang emergency operation.

Sinabi ni Cervantes na kung hindi umano ooperahan si Arroyo ay may posibilidad na masira ang kanyang cervical spine at tuluyang maipit ang kaniyang nerve endings.

Nabatid nang magsagawa ng x-ray kay Arroyo na natanggal ang implant sa cervical spine nito.

Dagdag pa ng doktor ni Arroyo, marupok na raw ang mga buto nito kaya maselan ang gagawin nilang operasyon sa pasyente.

Kalalabas lang ng ospital si Arroyo noong Linggo matapos na sumailalim sa maselang operasyon.

Maselan ang operasyon isinasagawa ngayon dahil kung sakaling hindi magtagumpay ay hindi malayong maparalisa si Arroyo. 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply