Opisyal ng Pagadian City itiniklop

PATAY ang isang lokal na opisyal ng Pagadian City nang barilin ng suspek, na nasugatan din matapos gumanti ang kasama ng nasawing biktima.

Kinilala ang napatay na opisyal na si Rene Ebol, administrative officer II ng nabanggit na lungsod. Idineklara itong dead on arrival sa ospital na pinagsuguran sa biktima.

Ayon kay Supt. Leonardo Olandesca, tagapagsalita ng Zamboanga Peninsula Police Office, naganap ang insidente dakong 12:45 ng hapon noong Lunes, Agosto 1, sa Pajares Ave.

Nakaparada ang sports utility vehicle (SUV) ng  biktima at kasama nito sa harap ng isang food chain nang biglang tabihan ang bahaging kinaroroonan ng biktimaito ng isang motorsiklong may sakay na dalawang lalaki.

Agad bumunot ng baril ang nakaangkas at pinaputukan si Ebol, na lumugmok na lamang na duguan.

Hindi nasiraan ng loob ang kasama ni Ebol at bumunot ito ng baril at nakipagputukan sa mga suspek.

Tinamaan ang gunman na si Jonathan Benitez, na sugatang bumagsak sa kalsada mula sa motorsiklo. Nagmadaling tumalilis ang driver ng motorsiklo nang makita ang nangyari kay Benitez.

Hinuli ng security guard ng food chain ang duguang suspek at isinuko ito sa mga pulis.  Narekober mula sa suspek ang isang US-made na kalibre .45 na ginamit sa pamamaslang kay Ebol.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga pulis ang motibo ng pagpatay sa biktima at pinaghahanap na ang tumakas na kasama ng gunman. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply