Opisyal ni PNoy etsas ang tingin ng mga empleyado

ANO ba naman itong nabalitaan ng matang kuwago ng Remate na isang tae ang tingin ng ilang mga empleyado ni Pangulong Benigno Simeon “PNoy” Aquino sa isang tuta, este, opisyal nito.

Batay sa kuwentong nakarating sa matang kuwago ng Remate halos ayaw sundin ang iniuutos ng naturang opisyal ng mga empleyado.

Ang nakalulungkot nito, wala rin daw tiwala at hindi sila naniniwala sa naturang opisyal.

Kasi ang feeling nila rito, naglalaro lang at sumusuweldo nang hindi naghihirap dahil sa kanyang pa-easy-easy job sa Palasyo samantalang silang mga empleyado ay nagpapakahirap at nag-papakapagod kahit maliit lamang ang sinusuweldo.

Hindi lang daw kinaasaran ang opisyal na ito sa Palasyo dahil sa pagiging mapapel at tipong alam niya lahat pero wala namang sinabi dahil puro palpak ang kanyang plano at ideya.

Kuwento pa nga ng isa sa mga sumbungero sa ating matang kuwago na kung hindi lang ito appointee ay hindi nila ito susundin.

At dahil na rin sa takot na mawalan ng trabaho kung kaya’t napipilitan silang sumunod sa kabila ng masama ang kanilang loob.

Ang malungkot pa sa opisyal na ito ay mayroong budget ang kanyang tanggapan kung kaya’t hindi tuloy mawala ang pagdududa at pagtatanong kung saan dinadala ng naturang opisyal ang pondo ng kanyang tanggapan.

Ito pa ang dagdag, nagsusumite rin ng liquidation report ang naturang opsiyal subalit mukhang kaduda-duda ang mga pinagkakagastusan nito.

Oh, mahal na PNoy, akala ba namin tuwid na landas ang daan mo. Bakit mukhang naliligaw ng daanan ang tuta, este, bata mo, ha?

Ang naturang opisyal ay bahagi ng isang grupo na mayroong programa sa radyo na  kanila itong gatasan daw, este, pinagkakakitaan umano.

Siya rin ang dahilan kung bakit nagkaroon ng programa sa government station ang kanilang grupo.

Basta ang asawa ni matang kuwago ay isang bar passer at isang abogado. Ewan lang natin sa opisyal na ito kung sino ang kanyang magiging abogado sakaling magkaroon siya ng kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply