Opisyales ng ARMM naghahanda na sa pagbaba sa puwesto

NAKAHANDA ang kasalukuyang administrasyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa pamumuno ni Gov. Ansaruddin Adiong na bumaba sa kanilang mga puwesto na malinis ang mga kamay at puso.

Ito umano ay sa pamamagitan ng pag-ayos ng mga problemang pinansiyal lalo na ng mga guro sa pampublikong paaralan.

Pinangungunahan ni ARMM executive secretary Naguib Sinarimbo ang mga hakbang upang malutas at matugunan ang mga problema bago bumaba sa puwesto ang mga kasalukuyang opisyal ng rehiyon.

Ayon kay Sinarimbo, nakikipag-ugnayan na umano ang tanggapan ni Adiong sa lahat ng mga institusyong mayroong kokolektahin sa ARMM, kabilang na ang Government Service Insurance System (GSIS).

Ang pag-update umano ng mga “outstanding payables” sa GSIS na iniwan ng nakaraang administrasyon ay ipinag-utos ni governor Adiong upang matupad ang kanyang hangad na malinis ang mga pagkakautang ng ARMM bago man lang ito bumaba sa puwesto sa Setyembre 30 nitong taon.

Nais umano ng administrasyong Adiong na mag-iwan ng legasiya ng mabuting pamamahala sa mga susunod na mamumuno sa rehiyon at upang maayos na masimulan ang maayos na pangangasiwa ng ARMM ayon kay Sinarimbo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply