Oposisyon mainit sa CCT ng DSWD

NAGBANTA ang mga kongresistang nasa oposisyon na gigisahin ang panukalang pambansang badyet para sa 2012.

Matatandaang itinakda ni Cavite Rep. Emilio Abaya, chairman ng House committee on appropriations, na sisimulan na ang deliberasyon ng badyet sa plenaryo sa Setyembre 6.

Tiniyak ni House Deputy Speaker Danilo Suarez na hindi palalagpasin ng minorya ang panukalang badyet dahil maraming kwestiyunableng alokasyon sa mga departamento at proyekto.

Partikular aniyang gigisahin ng oposisyon sa plenaryo ang alokasyon sa conditional cash transfer (CCT) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Suarez, sobra ang itinaas ng pondo ng CCT, na mula P23 bilyon ngayong taon ay aabot sa P39 bilyon sa 2012.

Iginiit ni Suarez na napakaraming butas sa nasabing programa, na karamihan umano sa mga benepisyaryo ay hindi lehitimong mahihirap.

Posible rin aniyang pag-ugatan din ito ng korapsyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply