Orthopedic Center pondohan – solon

ISINULONG ng isang kongresista ang pagbibigay ng pondo sa Philippine Orthopedic Center (dating National Orthopedic Hospital) sa Banawe, Quezon City upang gawin itong moderno.

Nilalayon ng House Bill No. 5022 ni Quezon City Rep. Winston Castelo na agarang bigyan ng pondo sa nasabing pagamutan.

Aniya, inilarawan ni Fr. Cecilio  Magsino ang hospital na “inhuman” sa isang maliit na grupo ng estudyante na bumisita dito.

Ito umano ay dahil sa hindi maayos na bentilasyon, ayaw magpa-flush na toilet bowl, hindi napapalitang bedsheets, gloves na  nire-recyle, at mga  paulit-ulit na  paggamit ng  hospital gadgets o materials.

Ang  nasabing hospital  ay isa sa pinakamodernong pagamutan nang ipatayo ito ng mga Amerikano noong  1945.

“I filed today a bill (HB 5022) that will upgrade the Center to modern standards.  After all, this is in keeping with PNoy’s thrust to strategize health care program and certainly,” ani Castelo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply