Ospital na sanglaan kinondena

KINONDENA ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño ang nakagawian na ng ilang ospital na magpa-sangla o humingi ng garantiya sa mga pasyante bago makalabas ng ospital.

Sa isinagawang budget hearing ng House Committee on Appropriations para sa alokasyon ng Department of Health sa 2012 ay nabunyag ang nakagawian o practice umano ng Philippine Children’s Medical Center na paghingi sa mahihirap na pasyente ng paglalagak o pagsasangla ng personal items tulad ng mobile phones at relo kapalit nang pagpapalabas sa pasyente.

Ipinakita ni Casiño kay Health  Secretary Enrique Ona ang dalawang PCMC memos na nagbibigay sa polisiya nang pangongolekta ng “collateral” na ibinebenta sa mga empleyado umano ng PCMC.

Nakapaloob sa MCM No. 45 ang kautusan sa paggamit ng collateral base sa RA 9439 habang ang MCM No. 46 ay nagbibigay ng guidelines sa pagbebenta ng naturang collateral.

“This practice of public hospitals engaging in pawnshop operations is very deplorable and we expect Sec. Ona to immediately stop this. He should know what is happening in government hospitals and the desperate practices they engage in just to shore up their budgets. One way to stop this is to restore the budgets of our public hospitals as  contained in their original proposals. This means raising the DOH budget by at least P20B,” ani Casiño.

Upang hindi naman maging sanglaan o pawnshops ang public hospitals sa bansa, nais ni Casiño na ibalik sa orihinal ang budget proposals para sa Department of Health (DOH).

Ang orihinal na hinihinging budget para sa DOH ay nasa P80B subalit dahil sa budget ceiling, binigyan ang ahensiya ng P42B.

Sinabi ni Ona sa pagdinig na may nakalagay na karagagdang P50B na unprogrammed ay makukuha lamang kapag may available na pondo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply