Out na sa buhay ang sikat na young-actor: Gay producer may bagong Papang non-showbiz

MUKHANG tapos na talaga ang affair ng guwapo at sikat na young actor sa mayamang businessman na nagpu-produce ng mga Indie film at shows. Madalas kasing mamataan ngayon si bading na produ sa kilalang university kung saan dinadalaw nito ang bagong man of his life na kasali sa basketball team ng kanilang school.

Ang sabi, hindi naman super guwapo at katangkaran ang bagong karelasyong ito ng nasabing rich gay pero very “huge” naman ang equipment nito. At dahil labs na labs niya ay umandar na naman ang pagiging super galante ng ating Kapatid. Yes, maliban raw sa mga mamahaling gadget tulad ng cell-phone at laptop ay binigyan pa nito na bagong kotse ang kanyang Papa na kasalo niya sa kaligayahan buong magdamag.

Well, baka nagsawa na sa mga artista ang nabanggit na famous gay kaya type naman nito na sa non-showbiz guy na siya.

Clue? Kilalang-kilala siya ng mga sikat nating young-actors. Wapak, gyud!

***

Chevrolet Spark, may kotse-serye sa Studio 23

YES, first time sa history ng Philippine local television na makapanonood tayo ng Kotse-serye na pinagbibidahan nina Xian Lim na gagampanan ang role ni Alex Agbayani, pretty boy, Mr. Sensitive at school jock boyfriend of Nora (Helga Krapf), Helga Krapf as Nora Taylor, pretty and rich Fil-Am girlfriend of Alex, Ketchup Eusebio, a happy-go-lucky and the funny guy of the group, music lover and is the resident chick boy. Charee Pineda played the character of Ynah Filemon a conservative, soft spoken and supertitious and Joy Manalastas portrayed by Gee Canlas, call center agent. geeky and talkative.

Bale, two episodes lang starting this August 14 (Sunday) mapapanood ang nasabing Kotse-serye na hatid sa lahat ng bagong model na sasakyan ng Chevrolet na SPARK. Lahat ng eksenang kinunan kung saan todo-todong nag-enjoy ang magkakabarkadang sina Xian, Ketchup, Helga Krapf, Charee at Gee sa kanilang trip sa kahabaan ng Edsa patungong Laguna ay sakay sila ng Chevrolet Spark. At tiyak kapag napanood ito ng mga tulad nilang young generation ay mako-convince ang mga ito na bumili ng nabanggit na car.

Ipinapakita rin sa Kotse-seryeng ito ang tunay na kahulugan ng friendship kung saan masaya at malungkot man ay nagdadamayan sa isa’t isa. May replays din ito pagkatapos na maipalabas ang dalawang episodes sa August 14 at August 21 tuwing Sunday sa Kabarkada Mo Network na Studio 23.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply