Outside the kulambo

NAGLISAW man ang lamok sa paligid ng aming tahanan, nagkalat naman ang mga pananim na tahasang nagtataglay ng biochemical principles na nagtataboy sa lamok at mga kauring kulisap– (1) balanoy o holy basil (kontra-peste pero panlahok sa pesto at salsa ng pasta), (2) amarilyo o marigold, (3) manzanilla o chrysanthemum, at  (4) tanglad o lemon grass (pampasarap ng tinolang manok at mga lutuing may sangkap na laman-loob).

Pati nga lamok-bulik o Aedes aegypti na kampon ng dengue, nasasawata rin. Kasi mas mahilig silang sumigid sa banakal ng murang saging — at may ilang kulumpon ng saging (Musa acuminata at Musa coccinea) sa loob ng aming bakuran.

Maidaragdag pang pamuksa ng lamok ang naglipanang tutubing karayom, palakang kabkab, gagamba, at mandarangkal o praying mantis sa aming halamanan… talagang may nakalatag na manifold lines of defense laban sa lamok– itinuturing na deadliest animal on the planet.

Bukod sa dengue, tigok ang isang musmos bawat 30 segundo sa malaria– ika-apat sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga paslit na wala pang 5-taong gulang, lalo na sa mga bansang nasa Africa at Asia.

Maidaragdag na sangkap para makaiwas sa lamok: kulambo!

Pinaka-astig na kulambo ang ipinadalang regalo sa inyong imbing lingkod: Perma-Net‚ mula Vestergaard Frandsen sa Switzerland. Polyester ang tela ng kulambo na talagang may chemical barrier na pumupuksa ng lamok, tumatagal ang pamatay na bisa kahit limang taon. Hindi rin basta kinakapitan ng dumi– may dirt repellent kasi ang tela.

Ipinagtabuyan man ng PermaNet‚ ang mga naliligaw na lamok sa aming tahanan, kapansin-pansin na patuloy pa rin sa pagdalaw ang mga alitaptap sa aming silid-tulugan…mukhang lamok lang ang tahasang pinupuksa ng naturang pro-dukto — na inilunsad nga kamakailan dito sa Pilipinas.

Edad-50 na nga pala ang Vestergaard Frandsen na isang family-owned global company na nagsimula sa Switzerland, dalubhasa sa tinatawag na complex emergency response and disease control textiles.

Veepo Global Resources sa 159 Jose Bautista Avenue, Malabon City (matatawagan sa 364-1702) ang lokal na tagapamahagi ng kanilang mga produkto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply