‘Oversupply’ ng mga nars kasinungalingan – PNA

KINONTRA ng pamunuan ng Philippine Nurses Association (PNA) ang isyu ng umano’y “oversupply” ng mga nars sa bansa.

Ayon kay PNA national president Dr Teresita Barcelo, hindi pa rin nawawala ang pangangailangan ng Pilipinas sa mga nars kung saan hanggat may mga taong nagkakasakit ay patuloy pa rin ang magiging pangangailangan sa mga Filipino sa kanila.

“Marami pa rin nagkakasakit so the demand continues,” paliwanag ng hepe ng PNA.

Nauna rito ay nagpaalala si Health Secretary Enrique Ona sa mga kabataan na huwag nang kumuha ng nursing dahil masyado nang maraming estudyante sa nasabing kurso.

Ayon pa kay Barcelona, kung tutuusin umano ay marami pa ring oportunidad para sa mga nars hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibayong dagat.

Ngunit ang problema lamang aniya ay ayaw mag-empleyo ng nars ng gobyerno.

“Kailangan natin (ng mga nars), actually, ayaw lang nila mag-hire,” tugon nito sa pahayag ni Ona.

Una nang inanunsyo ni Ona na plano ng Department of Health (DOH) na kumuha ng 10,000 nars para sa programa nilang Registered Nurses for Health Enhancement and Local Services (RN HEALS).

Ang mga nasabing nars ay ide-deploy naman sa mga mahihirap na lalawigan, kung saan kulang na kulang sa mga health worker.

Tatanggap naman ang mga ito ng allowance na P10,000 kada buwan.

Ang P8,000 ay mula sa DOH habang karagdagang P2,000 naman mula sa lokal na pamahalaan kung saan siya naka-assign.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply