OWWA-Bicol aayuda sa OFWs mula sa bansang may kaguluhan

NAKAHANDA ang tanggapang pangrehiyon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Bicol para tulungan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng mga kaguluhan sa ibang bansa tulad ng Libya, Yemen at Syria.

Ayon kay OWWA-Bicol director Jocelyn Hapal, 24/7 nakaantabay at tuloy ang operasyon ng kanilang tanggapan para matugunan ang mga pangangailangan ng mga kamag-anak ng mga Bicolanong OFWs na nasa bansang may kaguluhan

Bukas umano ang tanggapan para sa “Libreng Tawag” sa kanilang mga kapamilyang OFWs at patuloy ring ipinatutupad ang reintegration program.

Katunayan,  P1 bilyon ang inilaan ng pamahalaan para sa nasabing programa simula pa noong nagsimula ang kaguluhan sa bansang Libya, Yemen at ngayon ay sa Syria.

Dagdag pa ng opisyal na maaring umutang ang isang apektadong OFW mula sa pamahalaan hanggang P300,000 para makapagsimula na kabuhayan sa loob ng bansa, samantalang may inihandang ring training program naman ang Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) at Department of Labor and Employment (Dole) para sa nais pasukang kabuhayan.

Ayon kay Hapal, mahigit 600 ang dokumentadong OFWs sa Syria at kabilang dito ang 20 mga Bicolano.

Subalit, lumalabas na maraming mga hindi dokumentadong mga OFWs naman sa Libya kaya umabot sa halso 17,000 ang mga mangagawang Filipino at karamihan sa mga ito ay house hold workers.

Mahigit 100 naman ang mga Bicolanong manggagawa sa Libya. Sa Yemen, ay may 20 Bicolano OFWs.

Patuloy pa rin ang pag-antabay ng tanggapan sa kondisyon ng mga bansang may kaguluhan para sa kaukulang hakbang upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga OFWs, ayon pa kay Hapal.

Samantalang inihayag naman ni Raymund Escalante, tagapagsalita ng Dole-Bicol, na handa rin ang kanilang tanggapan sa pagtulong sa mga uuwing OFWs kagaya ng job matching at proyektong pangkabuhayan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply