OWWA kinumpirma ang pagpapakamatay ng OFW sa Kuwait

KINUMPIRAMA ng pamunuan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Regional Director Dr. Marietta A. Lumawag na nagpakamatay sa bansang  Kuwait ang isang overseas Filipino worker (OFW) mula Caraga Region.

Kinilala ang biktima na si Juvy Montesoso, tubong Bayugan City, Agusan del Sur, na iniulat na nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-anim na palapag ng gusali na kanyang pinagtatrabahuhan bilang receptionist.

Sinabi ni Lumawag na nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa bansang Kuwait at ang resulta ay ilalabas agad ng Philippine Embassy doon at ipababatid sa Department of Foreign Affairs (DFA) at OWWA.

“Right now, police officers in Kuwait are still investigating the case and as soon as investigation is finished, the Philippine Embassy will immediately submit the report to OWWA and DFA regarding the incident,” ani Lumawag

Nakahanda na ang tulong ng OWWA sa pamilya para maihatid ang bangkay ng biktima mula sa Kuwait patungong Bayugan City.

“As soon as matapos ‘yung kaso, talagang i-aasist natin sila. Nakaantabay ang OWWA upang maibalik agad ang katawan ni Juvy”, ayon kay Lumawag. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply