Oxo-biodegradable plastic bags, aprubado na

NAGKAISA ang mga miyembro ng Laguna City Sangguniang Panlungsod (SP) na oxo-biodegradable plastic bags lamang ang papayagan dahil sa kahilingan ng nakakaraming manininda at mamimili na dumaraing sa hirap ng pamimili dahil sa kawalan ng plastic bags.

Ipinagbawal ang paggamit ng plastic bags sa lungsod upang mapangalagaan nang wasto ang kapaligiran ngunit ito ay nagbunga ng malaking kawalan sa mga kompanya ng plastic sa buong bansa gayundin sa mga lokal na mangangalakal na umaasa sa produktong plastic.

Ayon sa SP, pawang orihinal na oxo-biodegrable plastic bags lamang ang ilalabas sa merkado sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa manufacturer nito ng paglalagay o pagtatatak ng Department of Science and Technology (DOST) certificate number, environment technology verification number, pangalan at tirahan ng gumawa ng naturang bag.

Mas mainam ang paggamit ng oxo-biodegradable plastic bags kumpara sa regular na plastic bags dahil maaari itong matunaw sa tubig o di kaya ay sa lupa sa loob ng 35 hanggang 45 na araw depende sa exposure.

Batay sa Philippine Plastic Industry Association (PPIA) at sa pag-aaral ng DOST, hindi mag-iiwan ng methane o ng kung ano pa mang harmful residue sa tao at maging sa mga hayop ang oxo-biodegradable plastic bags.

Kaugnay nito, itinalaga naman ang City Solid Waste Management Office sa pangunguna ni engineer Ruelito J. Dequito para sa mahigpit na pagsasagawa ng mga inspeksyon sa mga pangunahing pamilihan sa lungsod upang makasiguro na ang lahat ay susunod kapag pinasimulan na ang paggamit nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply