P. New Guinea nilindol ng magnitude 6.8

ISANG malakas na lindol na may magnitude 6.8 ang yumanig sa Papua New Guinea madaling-araw ng Lunes, Agosto 1.

Ayon sa U.S. Geological Survey, naitala ang pagyanig sa may 81 miles (130 km) east ng Wewak at may lalim na 10.4 miles.

Nabatid naman sa Geophysical Observatory ng Papua New Guinea na patuloy pang inaalam kung may nasira at nasaktan sa naturang pagyanig kung saan hindi naman nagbabala ng pagragasa ng tsunami.

Naramdaman ang pagyanig sa Wewak na may intensity 5.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply