P1.4-M reward ibibigay ng Kamara sa PDBF

TATANGGAP ng P1.4-milyon cash ang 20 miyembro ng Philippine Dragon Boat Federation team (PDBF) mula sa miyembro ng House of Representatives bilang gantimpala sa pagkasungkit ng limang ginto, dalawang pilak na medalya sa katatapos na 10th International Dragon Boat Federation World Championship na ginanap sa Florida, USA.

Ito ay batay sa inaprubahang mosyon ni Rep. Rodolfo Albano (1st District, Isabela) na inindorso naman ni Manila 5th district Rep. Amado Bagatsing, na mag-aambagan ng tig-P5,000 ang 285 miyembro ng Kamara para sa training and development ng Philippine Dragon Boat Team.

Ibabawas sa buwanang sahod ng mga kongresista ang tig-P5,000. para sa nasabing kampeon ng bansa.

Sa naging privilege speech ni Albano, kanyang inilahad ang hirap at pagtitiyaga ng nasabing koponan sa kanilang ensayo sa kabila ng kawalang ng suporta mula sa Philippine Sports  Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC)

Inilahad din niya ang ginawang pagbebenta ng mga plastic bottle at iba pang recycled materials ng grupo upang matugunan ang pangangailangan sa kanilang training.

Bukod dito, dagdag ni Albano: “Nangunguha sila ng tahong sa Manila Bay at iniihaw ito para makain habang sila  ay nagte-training.”

Ayon din kay Albano, tanging ang Asia Brewery’s Cobra Energy, Philippine Airlines (PAL) at ilang indibidwal ang nagbigay ng panggastos para sa kanilang plane tickets at pambili ng pagkain.

Nagawa din ng grupo ang manghingi sa mga kapwa Pinoy sa Florida na ng bigas, tubig at mga kagamitang panluto.

“Fortunately our Filipino compatriots there responded and supplied them with food and water, they even pooled their resources and gave allowances to the team members,”dagdag pa ni  Albano

Ang karanasan ng grupo ay nakaantig sa damdamin ng mga Pinoy na nasa ibang bansa sa kabila ng pagpupursige at karangalang iniuwi ng nasabing koponan.

Dahil din dito, maraming sektor sa lipunan ang humihiling na magbitiw na sa kanilang p[westo sina Philippine Amateur Track and Field President Go Teng Kok, POC President Jose Cojuangco at PSC Chairman Richie Garcia bilang delicadeza sa patuloy nilang pagmamatigas na hindi suportahan ang PDBF.

Maging ang congressional inquiry ay ikinasa na rin laban sa PSC at POC upang malaman ang dahilanan kung bakit ibinabasura nila ang PDBF bilang national team at ang hindi rin pagbibigay ng pinansyal na suporta.

Naniniwala si Albano na mareremedyuhan at maiwawasto ang batas sa pagtatrato ng mga atleta sa isasagawang imbestigasyon ng Kamara at maaaring kwestiyunin na rin sa  nakatakdang budget hearing ang mga opisyal ng POC at PSC hinggil dito.

Ang PDBF men’s team ay dalawang beses ng naging world dragon boat champion noong 2007 at 2009, samantalang sa mixed team ay naging world champion din noong 2009.

Sila ay binubuo ng mga retiradong miyembro ng Philippine Army, Navy, Air Force, Coast Guard at ilan ay mga sibilyan.

Nitong Agosto 8, 2011 ay ipinagbunyi ulit ang naging tagumpay ng PDBF sa buong mundo nang muling iniingat at iniwagayway ang bandila ng bansa nabanggtio na torneo na nilahukan ng 50 grupo mula sa 18 bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply