P1.4B utang ng Philhealth pinababayaran

IGINIIT ni Senador Franklin Drilon sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na bayaran na ng P1.4 bilyong pagkakautang nito sa mga ospital.

Ang pahayag nito ni Drilon ay  makaraang aminin ni PhilHealth President and Chief Executive Officer Rey Aquino na umabot sa P1.4 bilyon ang balanse nito sa hospital claims.

Dahil dito, kinuwestiyon ni Drilon ang pagkakautang gayong ang reserved fund ng Philhealth ay nagkakahalaga ng P90.7 billion na kung saan ang nasa batas ay dapat P30 billion lang dapat, katumbas ng dalawang taong compensable fees.

“They have a reserve fund of about P90 billion which is way above what is required by law,” ani drilon, chairman of the Senate Finance Committee.

Dahil dito,  iginiit ni Drilon na gamitin ng PhilHealth ang reserve fund para mabawasan ang PhilHealth premiums at mapalawak ang coverage nito para mapakinabangan ng mga mahihirap.

Ipinag-utos din ng senador na dapat gumawa ng paraan ang PhilHealth para mapaganda ang health services sa bansa na hindi naman kailangang itaas pa ang kasalukuyang premium rates.

Kaya’t hiniling ni Drilon sa kailangnan magkaroon ng hiwalay na pagdinig sa Philhealth para talakayin ang problema sa hospital claims.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply