P100-M shabu nasabat sa Quezon City

UMAABOT sa P100 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy-bust operation sa kanto ng Mother Ignacia at Timog Avenue, Barangay South Triangle, Quezon City kaninang umaga.

Sinabi Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Director, Sr. Supt. Samuel Pagdilao na arestado rin ang dalawang sinasabing miyembro ng kilabot na “Bamboo Gang” na sina Carlos Gonzales at Gerry Manzano.

Sakay ang dalawa ng Toyota Camry (WHF 675) nang magsagawa ng buy-bust operation ang awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek at pagkakarekober sa 20 kilo ng shabu.

Halos isang buwan umanong nag-surveillance ang PNP at PDEA bago sinagawa ang buy-bust operation.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply