P103-M lotto jackpot wala pang nananalo

WALA pa ring masuwerteng nakakuha ng six digit number combination ng 6/55 Grand Lotto kung saan ang premyo ay umaabot na sa mahigit P103 million.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang lucky number combinations ay binubuo ng 39-17-07-06-31-26 at ang jackpot prize ay may kabuuang P103,913,251.20.

Kaugnay nito, inihayag ng PCSO na wala ring nanalo sa Megalotto 6/45 na may premyong P33, 851, 489.40.

Ang winning number combinations ay 38-17-11-34-03 at 35.

Ang 6/55 Grand Lotto draw ay isinasagawa tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado ng gabi sa punong tanggapan ng PCSO sa Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City.

Matatandaang isang 60-anyos na barangay tanod ang huling nanalo ng Grand Lotto noong nakalipas na buwan ng Hunyo.

Kabuuang P356.5 million na jackpot prize na nakubra ng nasabing lotto bettor.

Ayon kay PCSO media officer Joseph Muego, kasama ng solo winner ang anak nito nang kubrahin ang kanilang napakalaking premyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply