P113-M Grand Lotto jackpot di pa napapanalunan

MAILAP pa rin sa mananaya ang Grand Lotto 6/55 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), matapos wala na namang nanalo sa regular draw nito.

Batay sa ulat ng PCSO, lumabas ang number combination na 55-47-24-20-39-37, kung saan may katumbas na premyong P113,547,520.80.

Pero kung hindi napanalunan ang Grand Lotto jackpot, may isa naman lotto bettor na tiyak na magbabago ang kaniyang buhay.

Ito ay matapos na makuha ang tamang kombinasyon sa 6/45 Megalotto.

Ang six digit number combination ay binubuo ng 27-26-25-40-20 at 14 at ang premyo ay umabot sa P38,173,897.80.

Ang 6/55 Grand Lotto draw ay isinasagawa tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado ng gabi sa punong tanggapan ng PCSO sa Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City.

Noong nakaraang buwan ng Nobyembre ay napanalunan ng taga-Olongapo ang pinakamalaking premyo sa kasaysayan ng Philippine lottery na nagkakahalaga ng P741,176,323.20.

Nito lamang nakalipas na buwan ng Hunyo, isang 60-anyos na barangay tanod ang nanalo sa 6/55 Grand Lotto na may jackpot prize na P356.5 million.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply