P12.3B laang pondo para labanan ang pagbaha

Pinaghahandaan ng gobyerno ang brutal na maging epekto ng climate change dahilan upang paglalaanan ng P12.3 bilyong pondo ang paglaban sa pagbaha at may P7.5 bilyon pa para suporta sa mga komunidad na sinalanta ng kalamidad.

Ayon ito  kay LPG/MA Partylist  Rep. Arnel  Ty  ang nasabing  pondo  ay  nilalaman ng  P1.816-trillion General Appropriations Act para  sa taong  2012.

Ayon  sa  report ng  Department of Environment and Natural Resources (DENR)  one-third ng  Metro Manila at 20-80 porsyento ng  land  areas  ng 19 probinsiya ay “susceptible to floods.”

Maging  ang   report  ng  DENR-Mines and Geosciences Bureau  ay   may  33.2 porsyento ng  land  area ng  National Capital Region ay  bahain.

Kabilang  sa tinukoy na 19 probinsiya na laging binabaha ay  ang  mga  sumusunod: Pampanga (79.5 percent); Nueva Ecija (51.2 percent); Pangasinan (48.1 percent); Tarlac (47.1 percent); Maguindanao (42.5 percent); Bulacan (39.9 percent); North Cotabato (30.1 percent); Oriental Mindoro (28.7 percent); Ilocos Norte (27.9 percent); Iloilo (26.7 percent); La Union (26.3 percent); Cagayan (25.5 percent); Sultan Kudarat (24.4 percent); Ilocos Sur (23.4 percent); Bataan (23.1 percent); Leyte (20.8 percent); Davao del Norte (20.2 percent); Compostela Valley (20.2 percent); at Camarines Sur (19.2 percent).

“As weather conditions become more extreme, we’re afraid that more communities are at risk of getting distressed by flooding in the years ahead,” ayon kay  Ty

Base  sa panukalang   2012 national budget, sinabi ni Ty na  may  P12.3 billion ang inilaan para  sa kosntruksyon ng  8,000 lineal meters ng  flood barriers lalo  na sa mga river systems at mga  key basins.

Sinabi ni  Ty na may  P793 milyon  pa ang  inilaan para  sa  Metro Manila Development Authority’s Solid Waste and Disposal Management Project para  sa  paglilinis ng  mga ilog.

Maging ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ay may karagdagan ding  P367 milyon para sa  automation.

Ang Laguna de Bay Institutional Strengthening and Community Participation Project at ang  Pasig River Rehabilitation Project ay makakakuha rin ng P485 milyon at  P173 milyon, ayon pa kay Ty. Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply