P12M ayuda ng DSWD sa Kalinga ibinigay na

NAIBIGAY na ang P12 milyon ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Kalinga para sa konstruksyon at pagsasaayos ng nasirang mga kabahayan na nabiktima ng nagdaang mga bagyo.

Ipinagkaloob ng DSWD ang cash for work at puhunan sa maliit na negosyo para sa mga residente na nasalanta ng nagdaag bagyo.

Ayon kay Program Coordinator Jessie Chelim ng DSWD, kalahati ng pondo ay mapunta sa 8 livelihood projects tulad ng Self Employment Assistance–Kaunlaran(SEA-K) at self-employment assistance o SKA sa Pinukpuk, Pasil at Balbalan.

Sa Pinukpuk, ang mga benepisaryo ng programa ay ang Cawagayan SKA, Salun-at Junction SKA, at Bayao SEA-K.

Sa Balbalan ay ang Pantikian-Solong SKA at Pantikian-Old Bullalayao SKA.

Sa Tabuk ang P1.3 milyon ay napunta sa isang grupo.

Ang pinakamalaking halaga na P3.6 milyon ay napunta sa Tabuk Core Shelter Assistance Program na may 100 benepisaryo.

Sa emergency shelter assistance (ESA) naman, ang P1.9M ay nakalaan sa Pinukpuk para sa 636 na pamilya; P1.6M para sa Lubuagan ESA na may 518 pamilyang makikinabang; at P1.2M sa Tabuk ESA.

Sinabi ni Chelim na malaking pundo rin ang mapupunta sa cash for work para maipaayos ang mga nasirang day care centers.

Maliban sa Tanudan, may kabuuang 2,784 ang bilang na pamilya ang matutulungan na bikitma ng bagyo sa bayan ng Kalinga at Tabuk.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply